It’s almost 7-years when you left me, sinama mo pa yung magiging anak sana natin kahit di sa akin galing yun, pero kung pinandigan kita noon sana magkasama tayo hanggang ngayon pero di ko ginawa dahil pag-ginawa ko yun di hindi ako nakatapos ng pag-aaral.
Alam mo bang masakit sa akin ang pagkawala mo, lagi na lang wala akong kasama tuwing Valentines Day, kasi yun yung araw na namatay ka eh. Yun yung araw na sumuko ka na at ayaw mo ng lumaban kay kamatayan…
Masarap ba yung Baygon na isang litrong nilaklak mo try ko nga (joke!!!), alam mo bang mahal na mahal pa rin kita at di ako maka-get-over sayo kahit na may iba na akong sinamahan…
Miss ko na yung asaran natin, kwentuhan hanggang madaling araw or until same time that we started, yung pag-check-in natin sa mamahaling hotel at matutulog lang tayo hehehe….
Alam mo bang nagalit ang buong angkan mo sa akin… pero di naglaon nalaman nila ang totoo na di ako ang may sala kung hindi ang magaling na kaibigan ng kuya mo na naging ex mo bago tayo nagkabalikan…
Sana magkita pa rin tayo kahit sa kabilang buhay… Miss na miss na kita!!!
Sana pagnabigyan tayo ng isa pang pagkakataon tayo pa rin, pangako kahit anong mangyari ikaw pa rin ang pipiliin ko…. sana mapatawad mo ako.....
No comments:
Post a Comment